Epektibo na simula ngayong araw ang 25 pisong dagdag-sahod para sa mga manggagawa sa Metro Manila.
Ang dating 512 piso kada araw na minimum wage ay magiging 537 piso na para sa mga non-agriculture sector.
Habang ang dating 475 piso na minimum ng mga nasa sektor ng agrikutura, mga retail establishment na mayroon lamang labing limang manggagawa pababa at mga manufacturing establishment na may sampung mangangagawa pababa ay magiging 500 piso na ang minimum wage.
Tags: dagdag sahod, mangagawa, Metro Manila