P24-M halaga ng luxury cars at misdeclared items, nasabat ng Bureau of Customs

by Radyo La Verdad | November 28, 2017 (Tuesday) | 10785

Tatlong kargamento na naglalaman ng mga used luxury cars galing Dubai, United Arab Emirates ang nasabat ng Bureau of Customs sa Manila International Container Port. Nakapangalan sa isang Allan Garcia ng Apalit, Pampanga ang 2012 Lamborghini Glardo na dumating sa bansa noong Pebrero.

August 2016 naman dumating ang 2006 model ng Lamborghini Murcielago na nakapangalan sa isang Veronica Angeles na taga San Rafael, Bulacan. Habang ang puting 2005 Ferrari F430 na dumating noong Agosto ay nakapangalan kay Mary Joy Aguanta ng Cagayan de Oro City.

Sa ulat ng BOC, aabot sa 17 million pesos ang halaga ng tatlong sasakyan pero ayon sa kawanihan undervalued ang kargamento ng ipasok ito sa bansa.

Nakatakda nang maglabas ang Bureau of Customs Law Division ng decree of abandoment upang makumpiska at mai-auction na ang mga sasakyan.

Isang shipment din na galing Australia ang naharang ng BOC. Household goods ang idineklarang laman nito pero sa pagsusuri lumabas na sasakyan at motorsiklo sa loob nito.

Dalawang kargamento din na naglalaman ng mga square tube, high carbon steel at mga channel bars mula sa China ang nasabat ng kawanihan.

Overweight ang mga ito ng tatlumpu’t talong prosyento. Inihahanda na ng BOC ang mga reklamong isasampa laban sa consignee at broker ng naturang mga kargamento.

 

( Aiko Miguel / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,