P206.5-B na ayuda, ibibigay sa ilalim ng proposed 2023 budget

by Radyo La Verdad | November 7, 2022 (Monday) | 26506

METRO MANILA – Plano ng pamahalaan na magbigay ng mahigit P200-B ayuda para sa vulnerable sector, sa gitna ng nagtataasang presyo ng mga bilihin.

Ayon sa Office of the Press Secretary, ilalagay ang ayuda sa ilalim ng proposed 2023 national budget.

Kabilang sa alokasyon ay cash transfers at subsidy programs na ipatutupad ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Malaking alokasyon ang mapupunta sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa kanilang social assistance programs;

Mabibigyan din ang Department of Health (DOH) para sa kanilang medical assistance;

Gayundin ang Department of Labor and Employment (DOLE) para matulungan ang mga displaced workers; ang Department of Transportation (DOTr) para sa fuel subsidy ng mga tsuper.

At ang Department of Agriculture, pa maayudahan ang mga magsasaka at mangingisda; Kabilang pa sa paglalaanan ng pondo para sa ayuda sa 2023 ay ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s); social pension ng indigent senior citizens at iba pa.

Tags: , ,