P200-libong reward money, ibibigay ng AFP sa mga informant na tumulong sa paghuli sa dalawang NPA top official

by Radyo La Verdad | October 27, 2017 (Friday) | 3207

Dalawang daang libong pisong pera na ibibigay ng Armed Forces of the Philippines bilang reward money sa mga tumulong upang mahuli ang dalawang matataas na opisyal ng News Peoples Army sa Negros Occidental.

Ayon kay Philippine Army 3rd Infantry Division Commander Major General Jon Aying, ang halaga ay paghahati-hatiin sa informant at intelligence operatives na tumulong sa operasyon.

Nahuli ng Criminal and Investigation Detection Group sa Kabankalan City noong October 19 sina Louie Antonio Martines alias Louie Castro at Aurora Cayon alias Lilay Batay dahil sa natanggap nilang impormasyon sa kinalulugaran ng mga ito.

Mag-iisang linggo pa lamang sa probinsya ang dalawang nahuling top NPA official. Si Lilay ay staff member ng National Finance Commission ng NPA habang si Louie naman ang logistics ng general command ng CPP/NPA.

Nakuha sa mga ito ang 45 pistol, hand grenade, magazines at ammunitions kaya naman sinampahan ang mga ito ng patung-patong na kaso.

Naniniwala naman ang AFP na mababawasan ng pwersa ang NPA sa pagkakahuli ng kanilang mataas na opisyal.

 

( Lalaine Moreno / UNTV Correspondent )

Tags: , ,