Ipinapa-surrender ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre kay Bureau of Immigration Commissioner Jaime Morente ang 20-million pesos na bahagi umano ng extortion money na nakuha ng dalawang tinanggal na immigration officials mula sa Chinese gambling tycoon na si Jack Lam.
Kasunod ito ng pag-amin ni Morente na pinayagan niya si dating acting Immigration Intelligence Chief Retired General Charles Calima na magsagawa ng counter-intelligence operation.
Kaugnay ito ng umano’y pangongotong nina dating Associate Commissioners Al Argosino at Michael Robles ng 50-million pesos kay Lam.
Binigyan ng hanggang ala-singko ng hapon ngayong araw si Morente upang dalhin sa DOJ o kaya’y sa NBI ang 20-million pesos na gagamitin bilang ebidensiya ng umano’y extortion.
Inatasan din ang BI Chief na magsumite ng kopya ng lahat ng report kaugnay ng sinasabing counter-intelligence operation ni Calima bago ito inalis sa pwesto.
Tags: P20 million na bahagi ng umano’y extortion money, pinapa-surrender kay Morente sa DOJ ngayong araw