P2-M reward, ipagkakaloob ni Pang. Duterte vs ninja cops

by Radyo La Verdad | August 29, 2016 (Monday) | 998

ROSALIE_PRES.DUTERTE
Dalawang milyong piso ang ipinangakong reward ni Pangulong Rodrigo Duterte sa bawat maisusuplong na ninja cop o pulis na mapapatunayang sangkot sa illegal drugs.

Ginawa ng pangulo ang pahayag kasabay ng pagdiriwang ng National Heroes’ Day sa Libingan ng mga bayani sa taguig city kaninang umaga.

Para kay Pangulong Duterte, hindi simpleng isyu ang problema ng bansa sa droga at ikinokonsidera niya itong isang digmaan kung saan nakasalalay ang seguridad ng buong bansa.

Muli rin niyang ipinahayag ng pangulo ang kaniyang pangako sa mga pulis at sundalo na siya ang mananagot sa anumang legal na usapin na posibleng kaharapin ng mga ito dahil sa pagtugon sa panawagan sa panawagan na wakasan ang suliranin sa illegal drugs.

Kasama sa muling binigyang diin ng pangulo ang pagpuksa sa katiwalian sa pamahalaan at kriminalidad sa ilalim ng kaniyang administrasyon.
Nagbukas naman ng text hotline ang PNP para sa mga magbibigay ng impormasyon hinggil sa umanoy mga ninja cops.

Ayon kay PNP Spokespokesman Sr. Supt Dionardo Carlos, maaring tumawag ang mga ito sa numerong 09178475757.

Tiniyak din ni Carlos na magiging confidential ang anumang impormasyon na kanilang matatanggap kasabay ang pagtitiyak na isasailalim sa masusing validation lahat ng mga matatanggap na impormasyon.

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)

Tags: ,