P2-B pondo na pang-ayuda sa mga mahihirap, inilabas na ng DBM

by Erika Endraca | August 10, 2022 (Wednesday) | 616

METRO MANILA – Nagpalabas na ng P2-B pondo ang Department of Budget and Management (DBM) para sa special allotment release order ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, gagamitin ang naturang pondo para ipang-ayuda sa mga pamilyang naapektuhan ng krisis sa bansa.

Ang DSWD Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICSs ay isang integrated services, kung saan kasama na rito ang pagbibigay ng financial assistance for transportation, medical, burial, food at iba pang support services.

Base sa talaan noong June 30, 2022, aabot na sa 1.5 milyong Pilipino ang nabigyan ng ayuda sa pamammagitan ng AICs program. Lagpas pa ito sa annual target na 1.4 million.