P2.8B pondong gagastusin sa pagpapatayo ng MRT-LRT common station, kinuwestyon ng ilang grupo

by Radyo La Verdad | January 19, 2017 (Thursday) | 1247

JOAN_COMMON
Hindi tututulan ng grupong Bagong Alyansang Makabayan ang pagtatayo ng common station na mag-uugnay sa LRT-1, MRT-3 at ang itatayong MRT-7.

Subalit isang malaking kwestyon para sa grupo ang umano’y labis na pondo na gagastusin ng pamahalaan sa proyekto.

Mula sa original na 780 million pesos budget ng common station, tumaas ito ng nasa 2.8 billion pesos base sa bagong bersyon ng kasunduan na pinirmahan kahapon.

Ayon kay bayan Secretary General Renato Reyes, mas makakabubuti aniya kung susundin na lamang ang original na lokasyon na pagtatayuan ng proyekto kung saan mas makakatipid sana ang gobyerno.

Batay sa naunang plano, itatayo ang common station sa tabi ng SM Annex at hindi sa pagitan ng SM North Edsa at Trinoma Mall.

Bagaman may ilang mga bagay na ipinupuntos sa nasabing proyekto, umaasa pa rin ang ilang commuter na magdadala ito ng malaking ginhawa sa araw-araw na pagbyahe sa Metro Manila.

Sa ngayon ay binubuo pa ng Department of Transportation ang engineering design ng common station na inaasahang masisimulan sa December 2017.

(Joan Nano / UNTV Correspondent)

Tags: ,