P1M halaga ng tulong, opisyal nang tinanggap ng AFP mula sa UNTV

by dennis | April 6, 2015 (Monday) | 7678
(L to R) Lt.Gen. John Bonapos Vice Chief of Staff, UNTV VP for Admin. Gerry Panghulan, AFP Chief of Staff Gregorio Catapang Jr., at Lt. Gen. Virgilio Domingo, Deputy Chief of Staff (Rodel Acuvera Lumiares / PVI)
(L to R) Lt.Gen. John Bonapos, Vice Chief of Staff, UNTV VP for Admin. Gerry Panghulan, AFP Chief of Staff Gregorio Catapang Jr., at Lt. Gen. Virgilio Domingo, Deputy Chief of Staff (Rodel Acuvera Lumiares / PVI)

Ngayong umaga ay opisyal na tinurn over ng UNTV sa pamamagitan ni Vice President for Administration Mr. Gerry Panghulan ang tseke na nagkakahalaga ng isang milyong piso mula sa proceeds ng “Songs for Heroes” concert na ginanap noong nakaraang buwan.

Nagpasalamat si Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Gregorio Pio Catapang Jr. sa tulong na iniabot ng UNTV.

Ayon kay Catapang, malaking tulong ito sa mga sundalong nagbubuwis ng buhay upang tugisin ang mga terorista at masasamang loob.

Dagdag pa ng pinuno ng AFP, sa pamamagitan nito ay makakapagsimulang muli ang pamilya ng mga sundalong nasawi at nasugatan sa pakikipaglaban.

Ang tulong ng UNTV para sa mga sundalo at pulis ay nagmula sa inisyatibo nina Bro. Eli Soriano ng Members Church of God International at UNTV CEO Kuya Daniel Razon.

Anila, ang kaunting tulong para sa AFP at PNP ay hindi maitutumbas sa mga tauhan ng militar at pulisya na nagbuwis ng buhay para sa pagtatanggol sa bayan.(Rosalie Coz/UNTV Correspondent)

Tags: , , , , , ,