P1K tulong sa apektado ng ECQ, nakadepende sa LGU kung in-kind o in-cash

by Erika Endraca | March 31, 2021 (Wednesday) | 924

METRO MANILA – Target na matulungan ng gobyerno ang 80% ng low income population ng National Capital Region (NCR) Plus o ang Metro Manila, Laguna, Cavite, Rizal at Bulacan bunsod ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) Reimposition.

Galing ang pondong gagamitin dito sa unutilized funds ng Bayanihan 2 na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nasa P22.9-B na halaga ng pondo ang ilalaan para sa P22.9-M target beneficiaries sa ECQ areas P1K halaga ng assistance kada indibidwal. Limitado ang tulong sa 4 na indibidiwal kada pamilya.

Upang mapabilis naman ang pagkakaloob ng tulong, nasa desisyon na ng mga lokal na pamahalaan kung ipagkakaloob nila ito ng in-cash o in-kind.

“Yung pinirmahan po ng presidente is already silent on whether it is cash or in-kind. So that’s the call of the lgu basta ang gusting mangyari ng president, sa lalong mabilis na panahon makarating ang ayuda.” ani Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque.

Nagbabala naman ang Malacañang sa local officials kaugnay ng posibilidad ng iregularidad sa pagpapatupad ng P22.9-B na supplemental amelioration program.

“Kung kayo mga opisyales ng barangay ipakukulong kayo ni presidente pag pati ba naman ang ayuda ay pagsasamantalahan ninyo” ani Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque.
Dagdag pa ng palasyo, kinakailangan namang humiling sa kongreso ng supplemental budget kung sakaling palalawigin ang ECQ.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: ,