P1B Research project ng CHEd, inilunsad

by monaliza | March 27, 2015 (Friday) | 1638

CHED

Matapos kuwestyunin ng ilang sektor sa loob ng dalawang taon, natuloy na rin sa wakas ang bilyong pisong halaga na international research project na popondohan ng pamahalaan ng Pilipinas na ipatutupad naman ng Commission on Higher Education (CHEd).

Ilulunsad na ngayong taong ito ang Philippine-California Advanced Research Institute (PCARI) na tatakbo sa loob ng limang taon bilang isang capacity-building partnership sa pagitan ng mga pamantasan sa Pilipinas at mga counterpart nito sa America.

Pitong inisyal na pananaliksik kaugnay sa information technology at medisina ang isasagawa sa ilalim ng PCARI project sa pagitan ng University of the Philippines, Ateneo de Manila University at ng University of California sa Berkeley at San Francisco.

Ayon kay CHEd Chairperson Patricia Licuanan, sa pamamagitan ng PCARi project, magkakaroon ng access ang mga pamantasan at kolehiyo sa bansa sa mga makabagong laboratoryo at mataas na kalidad na kasanayan mula sa University of California.

Tags: , , , , ,