P19-M financial assistance ng DepEd National para sa pagtatayo ng temporary learning shelters sa Albay, aprubado na

by Radyo La Verdad | January 22, 2018 (Monday) | 2451

Bukod sa kabuhayan ng mga residente, naapektuhan din ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon ang edukasyon ng mga estudyante sa mayorya ng mga paaralan sa lalawigan.

Kaya naman sinisikap ng Department of Education na maisaayos o maibalik sa normal ang activities ng mga estudyante sa kabila ng banta ng pagsabog ng bulkan.

Ayon sa Deparment of Education Regional Office, aprubado na ni DepEd Sec. Leonor Magtolis Briones, ang nineteen point eight million pesos na financial assistance para sa mga mag-aaral na apektado ng ipinapakitang abnormalidad ng Bulkang Mayon sa Albay.

Ayon kay Maria Christina G. Baroso, Regional Disaster Risk Reduction and Management Coordinator ng DepEd Regional Office 5, prioridad na mapagamitan nito ang pagtatayo ng temporary learning shelter o TLS para sa tatlumpu’t pitong paaralan na apektado ng pag-aalburuto ng Mayon.

Maliban sa financial support, magbibigay din ang DepEd National Office ng mga construction materials para sa TLS.

Samantala, ngayong araw nakatakdang mag-resume ang klase sa mga paaralang ginawang evacuation center.

Kabilang na dyan ang mga paaralan na nasa bayan ng Guinobatan, Camalig at Sto. Domingo, subalit kinakilangan nilang magsagawa ng make-up classes para makabawi sa mga araling kanilang hindi natalakay sa kasagsagan ng aktibidad ng Mt. Mayon.

Sa ngayon nasa 10,434 pamilya o katumbas sa 40,413 katao ang nananatili pa rin sa mga evacuation centers ngayon dahil sa patuloy na ipinapakitang abnormalidad ng Bulkang Mayon.

 

( Allan Manansala / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,