METRO MANILA – Ilalabas na ngayong araw (December 19) ng Department of Education (DepEd) ang P18,000 na halaga ng Service Recognition Incentive (SRI) para sa mga kwalipikadong guro at iba pang kawani sa pampublikong paaralan.
Sa isang memorandum na may petsang December 15, sinabi ng DepEd na ang mga tanggapan ng schools division at iba pang implementing units ay magsisimula ng proseso ng pamamahagi sa Lunes, December 18, at ang distribusyon nito sa cash ay sa susunod na araw.
Mayroong exemption sa cash-only mode ng SRI distribution para sa mga guro sa malalayong lugar kung kanilang isusumite ang isang sulat na nagpapahayag ng kanilang hiling. Maaaring ipasa ang kanilang SRI sa kanilang payroll atms, ayon sa kagawaran.
Ang lahat aniya ng mga opisina na may kinalaman sa proseso ng pagpapalabas ng SRI ay inaasahan na magpabilis ng pagbabayad, alinsunod sa karaniwang patakaran sa budget, accounting, at auditing.