P16K na buwanang sahod sa mga manggagawa, muling inihirit ng Bayan Muna

by monaliza | March 20, 2015 (Friday) | 1838
File photo: UNTV News
File photo: UNTV News

Muling ipinanawagan ng Bayan Muna Party-list na itakda sa P16,000 ang national minimum wage ng mga manggagawa sa pribadong sektor.

Ayon kay Bayan Muna party-list representative Carlos Zarate, ang P15 na dagdag-sahod na inaprubahan ng Regional Tripartite Wage and Productivity Board-National Capital Region (RTWPB-NCR) ay aabot lamang sa P10,582 kada buwan o P481 kada araw.

Dagdag pa ni Zarate, kulang na kulang ang idinagdag sa minimum wage para matugunan ng bawat pamilya ang mga pangaraw-araw na gastusin.

Batay sa datos ng Ibon Foundation, P1,086 kada araw ang dapat na minimum wage o P23,892 kada buwan para makaranas ng de kalidad na buhay ang bawat pamilya.

Sabi naman ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, na insulta sa mga manggagawa ang P15 wage hike lalo’t tumaas na ang singil sa kuryente, pasahe sa MRT at nakaamba na ring tumaas ang singil sa tubig.

Tags: , , ,