P15M halaga ng umano’y smuggled na sibuyas mula sa India, nasabat ng Bureau of Customs

by Radyo La Verdad | February 2, 2017 (Thursday) | 1054


Labing-isang 40 foot container na naglalaman ng sako-sakong sibuyas ang nasabat ng Bureau of Customs sa Manila International Container Port.

Tinatayang nagkakahalaga ng labinlimang milyong piso ang kargamento na dumating sa bansa mula India noong Enero.

Walo sa container vans ay nakapangalan sa Mheriban Sales Corporation sa Binondo, Manila habang ang tatlong iba pa ay nakapangalan naman sa malaya multi- purpose cooperative na may address sa Candaba, Pampanga.

Sa imbestigasyon ng BOC, walang import permits mula sa Bureau of Plant and Industry ang mga sibuyas na malinaw na paglabag sa RA 10845 o ang Anti- Agricultural Smuggling Act of 2016.

Plano ng BOC na sampahan ng kaso ang mga nasabing consignee.

Bukod sa sako- sakong sibuyas, mayroon pang iba’t-ibang agricultural products ang kadalasang nasasabat ng Bureau of Customs kaya naman ang smuggling ng mga produktong pang-agrikultura ang isa sa mga tinututukan ng BOC upang masolusyunan ang bilyon- bilyong revenue losses ng pamahalaan dahil sa smuggling.

(Aiko Miguel / UNTV Correspondent)

Tags: ,