Pauutangin ng pamahalaan ang mga maliliit na magsasaka upang maibsan ang epekto ng Rice Tariffication Law lalo na sa presyo ng palay na mula 20 pesos kada kilo noong nakaraang taon ay bumagsak sa 14 pesos na lamang.
Kwalipikadong umutang ng tig-15 thousand pesos ang mga magsasakang may pag-aaring lupa na isang ektarya o mas maliit pa.
Posibleng umpisahan na ang minsanang pautang na ito ngayong Setyembre na babayaran ng magsasaka sa loob ng walong taon.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, bibilhin din ng National Food Authority (NFA) ang lahat ng aning palay ng mga papautanging magsasaka.
Tags: Department of Agriculture, Loan, Rice Tariffication Law