Nadiskubre ng Bureau of Customs ang isang 40-foot container van sa Mindanao Container Terminal o MCT sa Tagoloan, Misamis Oriental na may lamang walong daang kahon ng mga sigarilyo.
Tinatayang nagkakahalaga ang mga ito ng labinglimang milyong piso.
Ayon kay Atty. Teddy S. Raval, deputy commissioner ng BOC Intelligence Group, misdeclared ang mga produkto dahil disposable diaper ang nakalagay sa dokumento nito.
Ang box lamang na nasa bungad ng container van ang naglalaman ng totoong diaper.
December 2016 pa umano ng dumating ang shipment mula sa singapore subalit hanggang sa ngayon ay hindi pa rin kini-claim ng consignee nito na nakapangalan sa black petal commercial na naka-address sa Purok 10, Baloy Hiway, Tablon, Cagayan de Oro City.
Dagdag pa ni Raval na may mga kasabay pa ito na dumaong sa ibang mga lugar.
Posibleng namang sampahan ng kasong paglabag sa customs modernization and tarriff act at rules and regulation of tobacco administration ang nasa likod ng naturang shipment.
(Weng Fernandez / UNTV Correspondent)
Tags: BOC, mga smuggled na sigarilyo, Misamis, Oriental, P15-M