Handang makipag-pulong ang Employers Confederation of the Philippines sa Dept. of Labor and Employment upang pag-usapan ang pagbibigay ng P125 across the board wage para sa mga manggagawa sa pribadong sektor.
Ayon kay ECOP President Donald Dee, nais nilang iprisinta sa pamahalaan ang kanilang argumento sa isyung ito.
Sinabi ni Dee na hindi pa ito napapanahon sa ngayon at mas mabuti kung pagtuunan na lamang muna nila ang pagbibigay ng mas maraming trabaho.
Ayon pa sa Employers Confederation of the Philippines hindi umani maaaring ipatupad ito ng pamahalaan hangga’t hindi unang masosolusyunan ang unemployment at underemployment sa bansa.
Papasanin lang umano ng mga mahihirapna pilipino angpagtaas ng presyo ng bilihin upang matugunan naman ang pagtaas ng sahod ng mga manggagawang pilipino.
(Aiko Miguel/UNTV Radio)