P100 milyong halaga ng medical equipment, ibinigay sa Pilipinas ng isang ayaw magpakilalang Fil-Chi businessman

by Radyo La Verdad | March 22, 2020 (Sunday) | 3871
Photo from Unsplash

Isandaang milyong pisong halaga ng medical equipment at supplies ang ipinagkaloob ng isang ayaw magpakilalang Filipino-Chinese businessman na nasa China para sa mga medical frontliner sa laban ng Pilipinas sa COVID-19.

Kabilang sa donasyon ang protective suits, medical gloves, disposable goggles, infrared thermometers, protective masks, disposable shoe covers, diagnostic kits, fully automated nucleic acid extraction instrument at iba pa.

Sinundo ng isang C-130 cargo plane ng Philippine Air Force mula sa Fozhou, China kahapon (Marso 21, 2020) ang medical supplies.

Kahapon din isinagawa ang turn over ceremony para sa donasyon na dinaluhan nina Defense Sec. Delfin Lorenzana, Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go, Interior Secretary Eduardo Año, Armed Forces of the Philippines Chief Gen. Felimon Santos Jr., at Air Force Chief Lt. Gen. Allen Paredes.

Tags: ,