P100 M halaga ng palayan at palaisdaan sa Candaba, Pampanga, nasira dahil sa pananalasa ng Bagyong Ompong

by Radyo La Verdad | September 24, 2018 (Monday) | 12192

Pangunahing hanapbuhay sa Candaba, Pampanga ay ang pagsasaka at pangingisda. Nang manalasa ang Bagyong Ompong, tila wala ng pinagkaiba ang palayaan at palaisdaan dahil mistulang naging dagat na ito dahil nalubog sa baha.

Marami ang nalugi dahil karamihan sa mga palayan ay lumubog sa aabot sa 15 feet, habang aabot naman sa 20 feet sa mga palaisdaan.

Bagaman hindi ito sentro ng bagyo, ang mga tubig na binagsak ni Ompong sa Aurora, Nueva Ecija ay bumababa naman sa Pampanga River kaya ito umapaw.

Kasalukuyang under state of calamity ngayon ang Candaba dahil aabot na sa dalawampu’t tatlong mga barangay ang apektado ng pagbaha.

Aabot sa halos 150 milyong piso ang napinsala sa agrikutura sa Candaba, Pampanga ng Bagyong Ompong.

Samantala, aabot sa mahigit pitong libong pamilya ang nabigyan na ng relief goods. Ang isang relief pack ay naglalaman ng 8 delata, limang kilo ng bigas at 1 bote ng toyo.

 

( Leslie Huidem / UNTV Correspondent )

Tags: , ,