P100/litro ng produktong petrolyo, posible kung tuloy-tuloy ang price hike ayon sa DOE

by Radyo La Verdad | June 21, 2022 (Tuesday) | 4870

METRO MANILA – Hindi na isinasantabi ng Department of Energy (DOE) ang posibilidad na pumalo sa P100/litro ang presyo ng produktong petrolyo sa bansa.

Subalit ito ay kung magtutuloy-tuloy ang pagtaas ng presyo nito araw-araw.

Ngayong araw (June 21), may taas presyong muli sa mga produktong petrolyo.

Sa magkakahiwalay na abiso ng mga kumpanya ng langis, magtataas ng P0.80 kada litro ng gasolina, P3.10 sa diesel at P1.70 sa kerosene.

Ito na ang pangatlong linggo ng major oil price hike.

Ayon kay Department of Energy Undersecretary Gerardo Erguiza, bunsod ito ng pagtaas sa halaga ng dolyar.

Nakaapekto rin sa presyo ang limitasyon ng refinery process.

Giit nito, hindi nakasasabay ang production ng diesel sa mataas na demand nito.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: