P10-B ayuda sa mga masasagaka sa ilalim ng Rice Tarrification Law, magsisimulang maramdaman sa huling bahagi ng taon.

by Erika Endraca | September 3, 2019 (Tuesday) | 2875

MANILA, Philippines – Idinadaig ng grupo ng mga magsasaka ang pagbagsak ng presyo ng palay mula ng ipinatupad ang Rice Tarrification Law.

Sa pagharap kahapon (September 2) ng mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) at National Food Authority (NFA) sa pagdinig ng House Committee on Agriculture and Food kaugnay sa implementasyon ng Rice Tarrification Law.

Sinabi ng DA na posibleng sa huling bahagi pa ng taon unti-unting matanggap ng mga magsasaka  ang P10-B ayuda mula sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).

Batay sa timeline na iprinisinta ng Agriculture Department, unti-unti nilang uumpisahan nila ang ipatupad ang apat na component ng RCEF simula ngayong Setyembre hanggang sa February 2020.

Nakapaloob dito ang pagkakaroon ng rice farm machineries and equipment, rice seed development propogation and promotion, gayundin ang expanded rice credit assitance at rice extension services.

Bukod sa pautang sa ilalim ng RCEF, may labing-limang libong pisong pautang rin ang DA para sa mga magsasaka na lubhang apektado ng rice importation.

Samantala reklamo ng mga magsasaka matinding hirap ang kanilang inaabot sa pagpapatupad ng Rice Tarrification Law, kaya’t ipinamamadali na nila sa gobyerno ang pagpapatupad ng mga programa sa ilalim nito.

“Napakaganda po nito para sa mga farmers kaya lang po September na po itong buwan na ito anihan na po hindi na po aabot ito so pakiusap ko po sana dagdagan pondo ng NFA at sana kahit palay na basa bilhin na po kagad ng NFA kasi kawawa po talaga mga farmers sa Nueva Ecija” ani Ugnayan ng Magsasaka sa Nueva Ecija Atty. Danny Yap.

(Joan Nano | UNTV News)


Tags: ,