P1-K monthly pension para sa indigent na Senior Citizens sisimulan na sa Pebrero

by Radyo La Verdad | January 23, 2024 (Tuesday) | 5647

METRO MANILA – Sisimulan na sa Pebrero ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamimigay ng P1,000 buwanang pension sa mga indigent senior citizen.

Ayon kay DSWD Spokesperson Assistant Secretary Romel Lopez, bahagi ito ng implementasyon ng Republic Act 11916 o ang batas na nagtatakda ng karagdagang social pension sa mga mahihirap na nakatatanda.

Mula sa dating P500, magiging P1,000 na ang buwanang pension ng mga ito upang makaagapay sa epekto ng mataas na inflation sa bansa.

Sa pagtaya ng DSWD aabot sa mahigit 4 na milyong senior citizens ang makikinabang sa dagdag pension ngayong taon.

Tags: , ,