METRO MANILA – Isinusulong sa Kongreso ang batas na magbibigay ng P1,000 monthly medicine allowance sa mga senior citizen.
Ayon kay House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo ang co-author ng House Bill 9569, layunin nito na makatugon sa mga isyu na kinakaharap ng nakatatandang populasyon.
Dagdag pa ni Tulfo na ang mga malalang sakit ay kadalasang nangagailangan ng regular at magastos na gamutan na malaking pasanin sa mga senior citizen at pamilya nila.
Sa ilalim ng panukala, ang allowance ay ekslusibo lamang gamitin sa pagbili ng mga inireresetang gamot at maintenance medications.
Tags: Medicine Allowance, senior citizen