METRO MANILA – Nag-iwan ng mahigit P1-B danyos sa agrikultura sa bansa ang Southwest Monsoon o habagat na pinalakas ng bagyong Goring.
Mahigit sa 42,000 agricultural areas at nasa 31,000 na mga magsasaka ang naapektuhan nito.
Kabilang sa mga nasirang pananim ay palay, mais, gulay at mga alagang hayop.
May nakahandang pang-ayuda ang Department of Agriculture (DA) gaya ng binhi at pautang para sa mga magsasaka.
Tags: DA