Aabot na sa higit P1-B ang ayudang ibinigay sa mga biktima ng severe tropical storm Florita ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Kabilang sa mga nabigyan ng tulong pinansyal ang Regions 1,2, at 3, Cordillera Administrative Region (CAR) at National Capital Region (NCR).
Nasa 82,000 din na mga food packs, hygiene kits, kitchen kits at mga damit ang naipamahagi sa mga lumikas sa evacuation centers.
Walang naitalang casualty sa bagyong Florita pero nasa higit 2,000 ang na-displace.
Gayuman nakauwi na umano sa kani-kanilang mga tahanan ang mga lumikas dahil humupa na ang mga pagbaha.
Tags: Bagyong Florita, DSWD