P1.77 bilyong halaga ng illegal na droga, sinunog ng pdea sa Cavite

by Radyo La Verdad | July 15, 2016 (Friday) | 5056

DRUGS
Nasa P1.77 bilyong pisong halaga ng ilegal na droga ang isinalang sa incinerator at sinunog ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Integrated Waste Management, Inc sa Brgy. Aguado Trece Martirez Cavite.

Ang mga ito ay kinabibilangan ng methamphetamine o shabu, liquid methamphetamine, cocaine, ketamine, marijuana, ephedrine, pseudoephedrine at mga expired na gamot.

Ayon kay PDEA Dir. Gen. Isidro Lapeña, ang mga ito ang nakumpiska ng PDEA, NBI at PNP Anti Illegal Drugs Group sa kanilang mga nakaraang operasyon kabilang na ang 180 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng 900 million pesos na nahukay sa Claveria Cagayan noong isang linggo.

Sinabi naman ni PNP Chief PDG Ronald dela Rosa ang pagsusunog ng droga ay upang maiwasan na itong maibalik muli sa kalye at sumira ng buhay ng mga kabataan.

Apela pa ni Gen. Bato sa mga tauhan ng PDEA, ipagpatuloy ang laban para sa pagkakaroon ng ligtas na pamayanan.

Sumaksi rin sa pagsunog sina Dangerous Drugs Board Chairman Felipe Rojas at Public Attorneys Office Chief Persida Acosta.

Samantala, bagamat hindi pinangalanan ay kinumpirma ni La Peña na inalis nya sa pwesto ang Director ng Region 6 at PDEA agent sa Region 4A dahil sa balitang pagkakasangkot ng mga ito sa ilegal na droga.

Panawagan naman ng PDEA sa publiko itawag sa kanilang hotline na 0999-888-PDEA o 7332 at 0925-573 pdea o 7332 kung may impormasyong nalalaman hinggil sa operasyon ng ipinagbabawal na gamot sa kanilang mga lugar.

(Lea Ylagan/UNTV Radio)

Tags: ,