Patuloy ang isinasagawang relief operations ng pamahalaan sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development sa mga lugar na naapektuhan ng lindol sa Mindanao Region partikular na sa Surigao del Norte.
Ayon sa DSWD, mayroon silang kabuuang one point six million pesos na stockpiles at standby funds na ipamamahagi sa mga biktima ng kalamidad.
Mahigit isangdaan libong family food packs na rin ang naihanda ng kagawaran na ipamimigay sa isanglibo ang tatlumput apat na pamilyang apektado ng lindol sa Surigao del Norte.
Tags: nakahanda para sa disaster relief assistance ng DSWD sa mga naapektuhan ng lindol, P1.6M pondo