Mas malikhain at makabagong estilo na ang pamamaraan ng mga sindikato sa pagpupuslit ng droga palabas ng bansa.
Sa isinagawang inspeksyon ng Bureau of Customs, nasabat nila ang nasa 197 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.5 million na isinilid sa mga rice cooker, nakapalaman sa diploma o certificate at nasa loob ng disposable diapers na ipapadala sana sa mga bansang Italy, United Kingdom at Kingdom of Saudi Arabia.
Kaya naman mas paiigtingin pa lalo ng Bureau of Customs ang pagbabantay kasabay ng pagdagdag ng mga modernong teknolohiya upang mas mapabilis ang paginspeksyon sa mga kagamitan na inilalabas-masok sa mga paliparan.
Sa ngayon ay naiturn over na sa Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang shabu kasama ang nasabing mga produkto na pinaglagyan ng droga.(Joms Malulan/UNTV Radio)