P1.56-M na tulong pinansyal, ipinagkaloob sa 24 na dating rebelde sa Baler

by Erika Endraca | March 30, 2021 (Tuesday) | 3932

METRO MANILA – Ipinagkaloob ng pamahalaan noong Martes (Marso 30) ang P1.56-M o tig-P65,000 na tulong pinansiyal sa 24 na dating rebelde sa Baler, Aurora kaugnay sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).

Kinumpirma ni Lt. Col. Reandrew P. Rubio, 91st Infantry “Sinagtala” Battalion Commander, na bukod sa nasabing ayuda ay makatatanggap din sila ng mga pabahay mula sa National Housing Authority (NHA).

Bibigyan din sila ng prayoridad sa edukasyon at sa mga training na isinasagawa ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agriculture (DA).

Ang E-CLIP ay isang programa sa ilalim ng Executive Order No. 70 ni Pangulong Rodrigo Duterte o ang Whole-of-Nation Approach na naglalayong tulungan ang mga dating kasapi ng Communist Party of the Philippines (CPP), New People’s Army (NPA) at National Democratic Front (NDF) na makapagbagong-buhay.

(Rhuss Egano | La Verdad Correspondent)

Tags: , ,