Mga miyembro ng Gabinete, inatasan na ni Pangulong Aquino na gumawa ng mga hakbang kaugnay ng El Niño phenomenon

by Radyo La Verdad | December 10, 2015 (Thursday) | 1289

NEL_COLOMA-2
Pinulong ngayong araw ni Pangulong Benigno Aquino The Third ang mga miyembro ng Gabinete upang ilatag ang mga hakbang kaugnay ng umiiral na El Niño phenomenon sa bansa.

Ayon sa Pangulo kailangan ng paghandaan ang El Niño lalo na sa mga buwan sa Pebrero at Marso sa susunod na taon kung saan inaasahan na 20 hanggang 30 porsiyento ang mababawas na ulan.
Iniutos ni Pangulong Aquino sa mga kinauukulang ahensya na paghandaan ang pagkakaroon ng sapat na suppy ng pagkain, tubig at kuryente, siguruhing hindi gaanong maapektuhan ang kalusugan ng mga mamayan at pag-iwas sa sunog.

Inatasan na rin ng Pangulo ang Department of Agriculture para sa maagang pagangkat ng bigas upang matiyak na hindi magkakaroon ng shortage sa susunod na taon dahil sa epekto ng El Niño.

(Nel Maribojoc/UNTV Correspondent)

Tags: , ,