P1.2B rehabilitation fund, inilabas na ng DBM para sa pagsasaayos ng MRT

by Radyo La Verdad | April 24, 2015 (Friday) | 975

mrt
Ipinagkaloob na ng Department of Budget and Management (DBM) ang P1.207B rehabilitation fund sa Department of Transportation and Communication para sa rehabilitasyon ng MRT.

Ayon kay Budget Secretary Butch Abad, gagamitin ang pondo sa pagsasaayos ng mga signaling system, elevators at escalators sa mga istasyon ng MRT.

Dahil dito, mas mapapataas pa ang kalidad ng serbisyo ng transit line para na rin sa kaligtasan at seguridad ng mga pasahero .

“With the rehabilitation of the MRT-3 in the offing, we can now offer not only better transport services to the public to but also alleviate their concerns over safety and security. This, in turn, may help ease the traffic situation in the metro as motorists can now take the public transport system instead of using their vehicles to drive to their destinations,” pahayag ni Sec. Abad.

Na i-release ang pondo matapos na makaranas ng mga aberya sa MRT noong mga nakaraang araw at buwan dahil sa technical issues gaya ng depektibong signaling system.(Jerico Albano/UNTV Radio Correspondent)