P0.66/kWh na dagdag-singil sa kuryente, ipatutupad ng Meralco ngayong Marso

by Radyo La Verdad | March 9, 2017 (Thursday) | 4491


Magpapatupad ang Meralco ng 66-centavos kada kilowatt hour na dagdag-singil sa kuryente ngayong buwan ng Marso.

Nakapaloob na rito ang 22-centavos per kilowatt hour na power rate hike dahil sa epekto ng Malampaya maintenance shutdown.

Ibig sabihin, 132-pesos ang madaragdag sa electric bill ngayong marso ng mga kumu-konsumo ng 200-kilowatt-hour kada buwan;

198-pesos para sa 300 kilowatt hour consumption; 264-pesos sa 400 kilowatt hour at 330-pesos naman para sa mga gumagamit ng 500 kilowatt per hour kada buwan.

Sa ngayon ay pinag-aaralan pa ng energy department at ng iba pang stakeholders ang posibleng pagbabago sa ilang probisyon ng energy contracts upang hindi na maipasa sa mga konsumer ang bayarin kapag isinailalim sa maintenance shutdown ang Malampaya gas facility.

Patuloy namang hinihikayat ng DOE ang publiko na magtipid sa paggamit ng kuryente.

(Joan Nano / UNTV Correspondent)

Tags: , , , ,