P0.50 na bawas pasahe sa jeep, ipatutupad na sa biyernes

by Radyo La Verdad | January 21, 2016 (Thursday) | 2262

JEEP
Mula P7.50 ay magiging P7.00 na lamang ang minimum fare sa jeep simula sa darating na biyernes

Ito ay matapos aprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang petisyon ng mga transport group para sa voluntary fare reduction

Inihain ng grupong Pasang Masda, FEJODAP, ACTO at LTOP ang petisyon dahil sa patuloy na pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo na umabot na sa bente pesos kada litro.

Nakasaad sa naturang pestisyon na ang bawas pasahe ay ipatutupad lamang sa buong Metro Manila, Region 3 at Region 4 subalit mananatiling one peso ang fifty centavos ang dagdag pasahe per succeeding kilometer

Ayon sa mga transport group ginawa nila ito bilang konsiderasyon na rin sa mga commuter.

Para sa mga driver, okey lang ito dahil mababa naman talaga ang presyo ng petrolyo

Ikinatuwa naman ito ng mga commuter group at sinabing malaking tulong ito lalo na sa mga mahihirap nating mga kababayan

Kasabay naman nito ay hiniling ng mga transport group sa Department of Trade and Industry na sana ay maibaba rin ang presyo ng mga pangunahing bilihin

Pati presyo ng mga spare parts ng sasakyan hiniling na maibaba rin bilang tulong sa mga jeepney driver

Ayon naman sa dti, maliit lamang na bahagi ang presyo ng langis sa pagtatakda ng presyo ng ilang pangunahing bilihin, subalit sa laki ng ibinaba mula noong nakaraang taon maaaring makaapekto ito sa presyo ng ilang produkto

Sa ngayon ay nakabinbin pa sa LTFRB ang naunang petisyon ni Congressman Manuel Iway na ibaba ng dalawang piso ang pasahe sa jeep pati ang succeding kilometer.

(Mon Jocson/UNTV News)

Tags: , , , ,