Ozamiz Maritime Police, namahagi ng relief goods sa mga mangingisdang naapektuhan ng mga nagdaang bagyo

by Erika Endraca | November 9, 2020 (Monday) | 675

Hindi lamang pagiging frontliner ang tungkuling ginagampanan ng Maritime Police sa Ozamiz City.

Para sa kanila, isang moral obligation rin ang pagtulong sa kapuwa lalo sa panahong ito ng krisis dahil sa pandemya at malalakas na bagyo.

Kaya naman, napag-desisyunan nila na maghatid ng agarang tulong sa mga mangingisda sa kanilang lugar kahapon (Nov. 8).

Sa kanilang social media post, makikita ang pamamahagi nila ng basic goods na may kasama pang alcohol at facemask.

Anila, hindi naman ito malaking kabawasan sa kanilang sahod lalo na’t nakikita nila ang ngiti ng tumatanggap ng simpleng relief packs nila.

Umabot sa 50 packs ang kanilang naipamahagi sa tulong na din ng ilang pribadong sektor.

(Mj Fiel | La Verdad Correspondent)

Tags: ,