OWWA, magbibigay ng tulong sa 150 repatriated OFWs mula sa Saudi Arabia

by Radyo La Verdad | May 19, 2017 (Friday) | 6692


Nakauwi na ng bansa kahapon ang isang daan at limampung OFW mula sa Saudi Arabia.

Bawat isa sa kanila ay binigyan ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA ng limang libong pisong pabaon sa kanilang pag-uwi.

Sagot din ng ahensya ang transportasyon ng mga ito pauwi sa kanilang mga probinsya.

Ang mga OFW naman na may kasamang anak ay binigyan naman ng DSWD ng karagdagang limang libong piso tulad na lang ni Aling Fahima na mayroong dalawang buwan gulang na sanggol.

Bukod dito, nangako rin ng karagdagan pang tulong ang pamahalaan para sa mga repatriated OFWs.

Para ma-avail ang mga ito, kailangan lamang magpunta ng mga OFW sa regional office ng OWWA, DOLE o DSWD.

Sa ngayon ay may dalawang libong OFW na ang nabigyan ng visa pauwi ng Pilipinas.

Nasa limang libong OFW pa ang inaasahang magaapply para makakuha ng amnestiya hanggang sa June 29 upang makauwi na ng Pilipinas.

(Macky Libradilla)

Tags: , , ,