OWWA, inilunsad ang e-card na inaasahang magpapabilis sa pagproseso ng mga OFW sa kanilang mga dokumento

by Radyo La Verdad | November 7, 2018 (Wednesday) | 14626

Mahigit sampung taon nang overseas worker si Gilberto Dulatre sa Saudi.

Sa tuwing uuwi at aalis ng bansa si Mang Gilberto, idinadaing nito ang pahirap sa pagkuha ng mga papeles sa iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan dahil sa haba ng pila. Tulad na lamang sa pagkuha ng overseas employment certificate sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Pero ngayon, hindi na mahihirapan ang mga OFW na katulad ni Mang Gil dahil sa OFW e-card program na inilunsad ng Department of Labor and Empolyment (DOLE) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Isa si Mang Gilberto sa 250 thousand na OFW na nabigyan ng e-card.

Aniya, malaking tulong ito sa kanya dahil magiging madali na ang pag-aasikaso ng mga papeles.

Ayon sa OWWA, ibibibigay ito ng libre sa mga balik-manggagawa na may mga OECS.

Ilan sa pangunahging mga prebilihiyo ng OWWA OFW e-card holder ay mabilis na makaka-access sa mga programa ng owwa tulad ng welfare services, scholarships, trainings, social benefits at iba pang mga serbisyo ng OWWA.

Pwede rin magkaroong ng OWWA OFW e-card sa pammagitan ng OWWA mobile applications na maari ng i-download sa IOS at android users.

Maaari itong magamit sakaling nawala ang actual OFW e- card. Pwede din magamit ang OFW e-card bilang exit clearance sa tuwing aalis ng Pilipinas. Dahil sa unique QR code nito, mas magiging madali rin ang pag-update ng membership information ng OFW.

Maaaring makapag-apply online at makukuha naman ang aktual na I.D. sa kahit saang OWWA Regional offices.

Sa darating na araw, maaaring magamit na rin ang mga e-card sa mga transaksyong ginagawa sa Department of Foreign Affairs (DFA), Bureau of Immigration (BI) at Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIZEA).

 

( JL Asayo / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,