Overall Deputy Ombudsman Carandang at iba pa, sinampahan ng administrative complaints

by Radyo La Verdad | October 4, 2017 (Wednesday) | 1697

Itinanggi ng Malakanyang na may kinalaman si Pangulong Rodrigo Duterte sa ginawang pagsasampa ng reklamo ng ilang indibidwal laban kay Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang.

Kaugnay ito ng ginawang paglalantad ni Carandang ng mga umano’y record ng bank transactions ng Pangulo at kanyang pamilya.

Ang mga naturang dokumento ay kinalaunang itinanggi ng Anti-Money Laundering Council na nagmula sa kanila.

Reklamong grave misconduct, gross dishonesty at betrayal of public trust ang isinampa sa Office of the President ng mga dating mambabatas na sina Jacinto Paras at Glenn Chong upang maghain ng anila, may kapangyarihan ang Office of the President na magsagawa ng imbestigasyon at gumawa ng kaukulang aksyon laban sa Deputy Ombudsman.

Iginiit naman ng mga ito na kusa nila ang hakbang na ito at hindi sila inutusan ni Pangulong Duterte.

Isa pang reklamo ang isinampa naman ni Atty. Manuelito Luna laban kay Carandang at Deputy Ombudsman for Mindanao Rodolfo Elman at maging ang mga miyembro ng Fact-Finding Investigation Team sa Mindanao dahil sa graft and corruption.

Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng pahayag si Carandang kaugnay ng mga reklamong inihain laban sa kanya.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,