Outstanding debt ng Pilipinas, umabot na sa P15.18 Trillion

by Radyo La Verdad | April 5, 2024 (Friday) | 1050

METRO MANILA – Patuloy na lumulobo ang utang ng Pilipinas.

Base sa inilabas na datos ng Bureau of Treasury, umabot na ito sa P15.18-T noong Pebrero.

Mas mataas ng halos P1-T noong katapusan ng Enero na nasa P14.8-T lamang.

Batay sa breakdown, 69.68% o P10.58-T dito ay domestic debt habang ang 30.32% o P4.6-T naman ay foreign debt o utang panlabas.

Tags: ,