Outgoing DepEd Secretary Leonor Briones at VP-elect Sara Duterte, nakipagpulong para sa gagawing transition of power

by Radyo La Verdad | June 27, 2022 (Monday) | 3835

METRO MANILA – Pinangunahan ni Outgoing DepEd Secretary Leonor Briones ang pagpupulong kay Vice President-elect Sara Duterte sa DepEd Office of the Secretary sa Pasig City nitong Sabado (June 25) upang pag-usapan ang mahahalagang bagay tungkol sa gagawing transition.

Inilahad ng kalihim sa pangalawang pangulo ang mga tungkulin at responsibilidad ng ahensya gayundin ang mga naging ambag ng kasalukuyang administrasyon pagdating sa reporma sa edukasyon at ang mga pangangailangang dapat tugunan bilang susunod na kalihim nito.

Kinilala ng Vice President-elect ang mga naging ambag ng ahensya sa pagpapatupad ng mga programa sa ilalim ng administrasyong Duterte at nagpasalamat sa suportang ibinigay sa kaniya.

Bagama’t sa June 30 magtatapos ang termino ng kasalukuyang kalihim, nagkasundo ang 2 na isagawa ang joint farewell at welcome ceremony sa July 4.

Tiniyak ni Sec. Briones ang buong suporta ng kagawaran sa pangalawang pangulo at tutulong siya bilang isang consultant.

(Daniel Dequiña | La Verdad Correspondent)

Tags: