Outdoor dining at limitadong religious gatherings, pinahihintulutan sa MECQ

by Erika Endraca | April 13, 2021 (Tuesday) | 620

METRO MANILA – Maaari na ang al fresco o outdoor dining para sa mga residente ng NCR plus areas matapos isailalim ng pamahalaan ang greater Manila sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Bukod dito, maaari na rin ang religious gatherings na limitado lamang sa 10% venue capacity sa mga lugar na nasa ilalim ng mecq .

Ngunit may discretion ang mga lokal na pamahalaang palawigin ito hanggang 30%.

Samantala, limitado pa rin sa pagbili ng essential goods and services ang paglabas ng bahay at sa mga Authorized Personnel Outside Residence (APOR).

Mayroon ding kapangyarihan ang mga lokal na pamahalaan na luwagan ang aged-based restrictions depende sa COVID-19 situation sa nasasakupan.

Pinapayagan ang operation ng mga public transportation batay sa protocols ng Deparment of Transportation.

At mas marami ring industriya ang pinahihintulutang mag-operate sa ilalim ng MECQ.

Ngunit mahigpit pa rin na ipinagbabawal ang mga non-essential services gaya ng personal care, recreational and tourism activities at dine in services.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, isa sa mga naging dahilan ng bahagyang pagluluwag ang paglalaan ng mga ospital ng dagdag na COVID-19 beds.

“Ang naging basehan nga natin yung improved health care capacity natin dahil nadagagdagan nga po yung ating mga facilitie” ani Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque.

(Rosalie Coz | UNTV News)