Dadaan sa masusing pagbusisi ng senado ang tax reform package 2 ng administrasyon. Ito ay kahit na ipinasa na ng mababang kapulungan ng Kongreso ang TRAIN 2.
Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, mas isusulong niya ang bersyon na kaniyang inihain na hindi masyadong makakaapekto sa trabaho ng mga Pilipino.
Pag-aaralan muna aniya nila ang bersyon ng Kamara, dahil mahihirapan aniya na makapasa ang orihinal na bersyon ng TRAIN 2.
Sa ilalim ng TRAIN 2 ng administrasyon, ibababa unti-unti ang corporate tax rate sa 20% mula sa 30%. Ngunit sa kabila nito, may tatanggalin naman na tax incentives sa ilang sektor.
Ayon naman kay Senator Ralph Recto, posibleng may epekto muli sa inflation ang TRAIN 2.
Kaya mas mabuti aniya na pag-aralan itong mabuti ng komite ni Senator Sonny Angara.
( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )