Ordinansa na magpapatupad ng curfew sa mga menor de edad, mahigpit nang ipinatutupad ng Butuan City Government

by Radyo La Verdad | November 13, 2017 (Monday) | 4789

Ikinabahala na kamakailan  ng mga lokal na pamahalaan ng Butuan City ang tumataas na bilang ng mga kabataang nasasangkot sa gulo.

Bunsod nito, mahigpit nang ipinatutupad sa siyudad ang Sangguniang Panlalawigan Ordinance 2776-2005 o ang Children’s Welfare Code.

Nakasaad dito ang pagpapatupad ng curfew sa mga menor de edad mula alas 10 ng gabi hanggang alas 4 ng madaling araw maliban na kung may kasama silang magulang.

Ang mga mahuhuli ay i-tuturn over muna sa City Social Welfare and Development, habang ang kanilang mga magulang ay isasailalim sa isang araw na seminar upang ipaintindi sa kanila ang kanilang mga obligasyon sa kanilang mga anak. Papatawan din sila ng labing limang araw na community service sa kanilang mga barangay.

Sa ngayon, nasa dalawampung menor de edad na ang nahuli at i-tinurn over sa DSWD mula November 10 habang walong establishimento naman ang naisyuhan ng citation ticket dahil sa pagpapahintulot sa mga kabataan na uminom ng alak.

 

( Raymond Octobre / UNTV Correspondent )

Tags: , ,