Oras ng water interruptions sa Maynilad customers, nabawasan na

by Erika Endraca | November 12, 2019 (Tuesday) | 19862

METRO MANILA – Nabawasan na ang oras ng water interruption ng mga customer ng Maynilad. Ayon sa water concessionaire, nakatulong ang pag-ulan sa Ipo dam sa mga nagdaang araw.

Nasa 9 na Milyon ang umaasa sa supply ng Maynilad sa west zone ng Metro Manila. Ilan sa kanilang pinaghahandaan ay ang posibleng pagnipis ng supply ng tubig lalo na sa tag-araw. Ito ay dahil sa posibilidad na hindi mapuno ng tubig ang Angat Dam base na rin sa pagtaya ng PAGASA.

Ayon sa Metropolitan Waterworks And Sewerage System (MWSS), inagapan lang nila ang pagtitipid sa distribusyon ng tubig para hindi agad maubos ang imbak ng Angat dam.

Isinusulong ngayon ng MWSS na lalo pang protektahan ng Laguna lake para hindi ito lalong dumumi.Sa ngayon ay may mga treatment plant ang Maynilad na kumukuha ng tubig sa Laguna lake at nagsusuply ng 310 Milyong litro ng tubig kada araw sa kanilang mga customers.

Pero kaya palang tapatan ng lawa ang isinusuplay na tubig ng Angat dam.May lawak itong mahigit 90,000 ektarya at mas malaki pa sa bansang Singapore. Ayon sa Maynilad, maaari namang isabay ang pangisdaan sa lawa ng laguna subalit pangunahin dapat na serbisyo nito ay pagkukunan ng tubig.Sa ngayon ay nasa 10 beses na mas mataas ang gastos sa paglilinis sa tubig mula sa Laguna lake kumpara sa tubig na nakukuha sa Angat dam.

(Rey Pelayo | UNTV News)

Tags: , ,