Oras ng brownout sa Davao City, mas humaba pa

by Radyo La Verdad | April 11, 2016 (Monday) | 1612

JOEIE_BLACKOUT
Nagpaliwanag ang Davao Light and Power Company sa mga mamamayan ng lungsod ng Davao dahil sa mas tumindi pang rotational brownout na umabot na sa 4 hanggang 5 oras

Ito’y sa kabila ng pagbibigay ng Therma South Inc. O TSI ng aboitiz ng karagdagang 300mw na supply ng kuryente

El niño pa rin ang itinuturong dahilan ng kakulangan ng kuryente. Natutuyo ngayon ang agus at pulangi river na syang pangunahing source ng kuryente sa buong Mindanao.

Dumagdag ito sa mga pagkasira ng poste na binomba ng mga rebelde. Ilang buwan na ang nakakaraan sa ilang bahagi ng lalawigan ng Lanao na bagama’t naiayos na ang iba ay mayroon pa ring vegetation problems.

Inaasahang sa ika-20 ng Abril ay magiging tatlong oras nalang ang brownout kung makababalik na ang operasyon ng TSI.

Sa April 30, may dagdag umanong kontratang papasukin ang dlpc ng mapagkukunan ng kuryente.

Ito ay ang Southern Philippines Power Corporation mula sa General Santos City na syang inaasahang magbibigay ng karagdagang supply, dahil dito inaasahang magiging maximum na trenta minutos na lamang ang power outage ng lungsod.

Tinitipid ng NGCP ang supply ng tubig na natitira pa ngayon sa mga ilog upang umabot hanggang eleksyon at hindi magkaroon ng brownout sa panahon ng halalan.

Umaasa naman ang Davao Light na matatapos ang krisis na ito bago mag eleksyon.

(Joeie Domingo / UNTV Correspondent)

Tags: ,