Oral arguments sa Torre de Manila case, nakatakdang dinggin ng korte suprema mamayang hapon

by Radyo La Verdad | July 21, 2015 (Tuesday) | 962

oral-argument
Tuloy ang paghahanda ng korte suprema sa nakatakdang oral arguments mamayang alas dos ng hapon sa kaso ng Torre de Manila.

Kabilang sa mga isyung tatalakayin sa pagdinig mamaya ay kung labag nga ba ang pagtatayo ng kontrobersyal na gusali sa itinatadahana ng saligang batas na pangalagaan at pagyamamin ang historical at cultural heritage ng bansa gaya ng monumento ni Jose Rizal.

Tatalakayin din ang isyu ng kung maaari bang pigilan ng estado ang DMCI na i-develop ang property nito upang mapanatili ang integridad ng bantayog ni Rizal.

Pag uusapan din kung dapat nga bang bayaran ng kompensasyon ang DMCI sakaling magdesisyon ang korte na ipagiba ang kontrobersyal na gusali.

Samantala, tatalakayin naman sa en banc session ng korte suprema ngayong araw ang mosyon ni solicitor general na muling ipagpaliban ang oral arguments sa kaso ng Torre de Manila.

Nasa the Hague Netherlands pa rin hanggang sa ngayon ang solicitor general kasama ang iba pang abogado ng Pilipinas upang asikasuhin naman ang kasong isinampa ng bansa laban sa China kaugnay ng agawan ng territoryo sa West Philippine sea.

Una nang ipinagpaliban ang oral arguments sa kaso ng Torre de Manila noong June 30 dahil naghahanda noon ang solicitor general sa pagdinig ng arbitral tribunal sa kasong isinampa ng Pilipinas.(Roderic Mendoza/UNTV Correspondent)