Oral arguments sa disqualification case ni Senator Poe, itutuloy ngayong hapon

by Radyo La Verdad | January 26, 2016 (Tuesday) | 1752

GRACE-POE
Itutuloy ngayong araw ang oral arguments sa mga petisyon ni Senator Grace Poe bilang apela sa pagkansela ng COMELEC sa kaniyang kandidatura sa pagkapangulo.

Alas dos ng hapon ang nakatakdang pagdinig upang ituloy ni associate justice Marvic Leonen ang pagtatanong sa abugado ni Poe na si Atty Alex Poblador.

Anim na mahistrado pa ang inaasahang magtatanong kabilang na si Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Magiging sentro pa rin ng debate mamaya ang isyu kung nagsinungaling ba sa Certificate of Candidacy si Poe sa pagsasabing siya ay natural born Filipino citizen at nakumpleto nito ang 10 year residency requirement.

Sakaling matapos ang pagtatanong ng mahistrado ng Korte Suprema, susunod namang maglalahad ng argumento ang abugado ng COMELEC upang depensahan ang kanilang desisyon na kanselahin ang COC ni Poe.

(Jerico Albano / UNTV Radio Reporter)

Tags: , , ,