Tapos na ang pagdinig ng Arbitral Tribunal sa hurisdiksyon at admissibility ng territorial claims ng Pilipinas laban sa China.
Binigyan na lang ng hanggang July 23 ang Philippine delegation para magsumite ng written statement upang sagutin at ipaliwanag ang iba pang katanungan na nais malaman ng limang miyembro ng tribunal.
Ito ay matapos iprisinta ng Pilipinas ang argumento kaugnay sa posisyon nito territorial dispute sa West Philippine Sea.
Si Solicitor General Florin Hilbay ang nagbigay ng closing statement sa harapan ng Tribunal.
Umaasa ngayon ang Malacañang ng paborableng desisyon mula sa naturang tribunal kaugnay sa petisyon nito laban sa pag-angkin ng China sa mga isla sa West Philippine Sea.(Jerico Albano/UNTV Radio)
Tags: Arbitral Tribunal, China, Philippines, West Philippine Sea