METRO MANILA – Inilahad na ng mga abogado ng mga petitioner ang kanilang argumento laban sa ipinatutupad na anti-terrorism law.
Sa pagsisimula ng oral arguments sa Korte Suprema, binigyang diin ng mga ito na dapat ipawalang bisa ang batas dahil labag umano ito sa konstitusyon at ginagamit sa pang-aabuso ng ilang otoridad.
Mas marami umano itong nalalabag na karapatang pantao kaysa sa pagbibigay proteksyon sa mamamayan.
“The constitutionality of the anti-terrorism law is right for judicial review. It’s key provisions violate the bill of rights and seems it was enacted in violation of the proper procedure, it was passed with grave abused of discretion” ani Atty. Jose Anselmo Cadiz.
Ayon sa human rights lawyer na Chel Diokno, malabo ang depinisyon ng terorismo sa section 4 ng batas.
Maaari rin umanong makakaapekto sa ibang mga probisyon tulad ng inciting to commit terrorism o conspiracy to commit terrorism.
“One who exercises basic rights may still be still be liable for terrorism if he she will held into the requisities of intent and purpose. No other law makes the exercise of constitutional a crime when actuated by a certain intent.” ani Atty. Chel Diokno.
Si Albay Representative Edcel Lagman, nangangamba na mauwi sa torture ang pag-aresto ng walang arrest warrant at pagditene ng hanggang 24 na araw.
Ang punto naman ni dating bayan muna Representative Atty. Neri Colmenares, malawak ang batas at maaaring masakop na nito ang trabaho ng mga mahistrado at korte.
Binanggit naman Atty. Algamar Latiph ang umano’y dikriminasyon sa kanilang mga muslim at mga katutubo.
Samantala, bago ang oral arguments, nagsagawa ng programa ang sumusuporta at tumututol sa batas.
Ayon sa mga suporter ng anti-terror law, naniniwala silang mapangangalagaan ng batas ang kanilang mga anak mula sa pangre-recruit ng New Peoples Army (NPA).
Sa kabilang banda, gaya ng mga petitioner, ayon sa mga tumututol sa batas ay umaasa silang darating ang panahon ng papanigan ng kataas-taasang hukuman ang kanilang kahiligan na tuluyang ipawalang bisa ito.
Sa 15 mahistrado, 3 lang ang hindi nakapag-interpellate, ipagpapatuloy ang oral arguments sa susunod na Martes, February 9.
(Dante Amento | UNTV News)
Tags: Anti Terrorism Law