Opposition Bloc, posibleng lumakas kapag napalitan ang liderato ng Senado – Sen. Grace Poe

by Radyo La Verdad | May 29, 2019 (Wednesday) | 34116
Courtesy: Sen. Grace Poe Facebook

SENATE, Philippines – Muling nagpahayag ng suporta ang ilang Senador sa liderato ni Senate President Vicente Sotto III. Ito ay sa gitna ng paglutang ng pagpasok ng bagong grupo na Hugpong ng Pagbabago Bloc sa 18th Congress kung saan may isyu na sigalot sa mga mamumuno sa mga Komite.

Ayon kay Senator Grace Poe, sakaling ipilit ang pagpapalit ng liderato ng Senado ay posibleng magdulot ito ng paglakas ng oposisyon.

Sinabi pa ni Poe na maging siya ay handang sumama kay Senator Sotto sa minorya.

“Sa tingin ko kapag pinalitan nila si Senator Sotto may banta talaga na may mga iba talaga na hindi sasanib sa mayorya ewan ko kung mas dadami pero masasabi ko, mas lalakas kung lumipat si Tito Sen sa minority,” ani Senator Grace Poe.

(Nel Maribojoc | UNTV News)

Tags: , ,